“CLIMATE CHANGE”

Ni: Viva Villanueva

shutterstock_153806906

     Sa panahon ngayon nakapagtataka kung bakit kahit patak-patak lamang ng ulan eh binabaha na agad tayo at nakararanas ng matitindi at pabigla biglang delubyo. Climate change ang tawag dito, pagbabago ng panahon na para sa
nakararami’y natural cycle lang daw ito ng mundo. Natural cycle? Marahil noon oo

, perongayon? Sa tingin ko’y kasalanan mo, kasalanan ko, kasalanan nating mga tao.
Pansin mo ba ang pagbaliktad ng panahon? Yung tipong tuwing pagsapit ng mga buwan ng tag-init o tag-araw eh tsaka bumubuhos at nagkakaroon ng malalakas na ulan, at tuwing panahon naman ng tag-ulan tsaka naman tayo nakadaranas ng matinding init ng araw? Maski ang mga weather forecaster eh hindi na nakapaghahatid ng eksakto o tamang balita ukol sa kondisyon ng panahon natin ngayon.
Ang pagbabago ng klima natin ngayon ay dahil sa kagagawan natin. Ang mga
araw araw nating ginagawa ay nakakaapekto ng malaki upang tuluyang masira ang ating mundo. Ang simpleng pagtapon ng balat ng kendi sa kalsada ay nakakabara ng mga kanal na nagdudulot upang tayo ay bahain. Ang konting pagbuga ng usok ng mga taong hithit nang hithit ng sigarilyo na parang tambutso na ng sasakyan ay nakabubutas ng ating mundo. Ang pagputol sa mga puno na sya sanang makatutulong upang mabawasan ang carbon dioxide o iba pang mga greenhouse gases na nagpapa-init ng mundo.

Lahat yan kagagawan nating mga tao, kagagawan ng mga mapang-abusong kamay mo.. Kaya dapat habang maaga malaman na natin ang epekto nito sa atin. Tulad ng pagkakaroon ng iba’t ibang sakit, matinding tag-init, tagtuyot at malalaking bagyo at ang masaklap.. baka posibleng maging totoo ang usap-usapang paggunaw ng mundo. At dahil tayo ang may kasalanan, tayo ang problema, tayo rin dapat ang magiging solusyon.

Leave a comment